Greater Lagro Online!
Hi Guest. You need to register to see the full functionality of this for forum.


An online community for the good people of Greater Lagro, Quezon City.
 
HomePortalGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
Please spread the news about our new community website.
Looking for church mass schedules? Barangay hotlines? Check out the News & Information category.
Our goal is to bridge all your comments and suggestions to our Kagawads and Barangay chairman.

Share | 
 

 Lagro Dog Impound

Go down 
AuthorMessage
kalasagnibajula



Posts : 1
Join date : 2010-08-26

PostSubject: Lagro Dog Impound   Thu Aug 26, 2010 12:06 pm

Mam, Sir

Kaka register ko lang dito sa forum, may gusto lang sana ako sabihin sa lagro barangay natin, na sana makarating. kasi nababa na ang ordinance sa paghuli ng aso sa kalsada, ganito;

Ngayon lang, august 26, 2010 na impound ang aso namin. inaamin namin lalo na ako na kasalanan ko kung bakit naka labas ang aso namin, at kelangan ko magbayad ng 300php (three hundred pesos). ok lang yun at nakabayad na kami pero, may mga ilang butas lang ako na nakita sa ordinance na pinatupad nila. alam ko na para sa mga taga lagro din ang ginagawa nila at naappreciate ko yun, pero.. sana naman ay may option ang mga tao sa lagro kasi ganito talaga ang nangyari sa part namin;

Dumating ang truck ng basura ng 8am at nagtapon ako ng basura, ngayon nakaligtaan ko isara ang gate (na lagi ko naman ginagawa, etong araw lang na ito na nakaligtaan ko) pagkatapos ay may narinig na lang ako na umiiyak na aso at yun na pala ang aso namin na nakuha na ng dog impound. what i'm trying to point out is, wala manlang options yung nakuhanan ng aso (na di naman PINAPABAYAAN ) na magbayad ng MULTA. sabihin ko sa inyo to, HINDING HINDI NAMIN PINAPALABAS ang ASO NAMIN kahit anong mangyari. isa sa dahilan na; baka makakain ng kung ano sa labas at mamatay. pangalawa; baka maka kagat ng tao (kahit di naman nangangagat ang aso namin kht anong gawin niyo saktan nio pa) pangatlo; AYAW na AYAW NAMIN na NAKAKAPERWISYO sa mga KAPITBAHAY, nagtitiis kaming maglinis ng tae at ihi ng aso namin sa bakuran man o likuran dahil alam namin na marurumihan ang kalsada at mga tapat ng mga kapitbahay namin. at maraming pang iba.

Sana makuha ninyo ang point ko, ng pamilya namin. na, PAANO YUNG MGA HINDI SINASADYA NA MAKALABAS ANG ASO? para sa Barangay, saludo po kami sa inyo dahil ginagawa niyo po ang trabaho ninyo ng maayos, pero sana naman po, SANA e hindi ung basta magbabayad na lang pag na impound ang aso, sana ay, tignan po muna ang background nung pamilya na may ari ng aso, pwede naman po kayo magtanong tanong sa paligid, nandiyan naman po ang mga kapitbahay para magsalita sa inyo. huwag niyo sana itulad ang pamilya namin sa mga ibang kapitbahay na walang pakialam sa aso na pinapabayaan na lng sa labas, sa totoo niyan ang katabi naming kapitbahay na may aso ay nakatali sa puno ng niyog kahit umuulan pinapabayaan nila dun, alalang alala kami at gusto na namin ireport sa barangay dahil kawawa naman ang kalagayan ng aso, at paminsan minsan sa gabi ako pa ang nagpapakain dun dahil gutom na gutom na at laging pa pinapakain ng bulok na pagkain. yun lang ang gusto ko iparating sa nakatataas, ok lang manghuli pero pera pinaguusapan, dapat may mga option ang mamamayan ng lagro tungkol diyan, konting payo lang po. Salamat.

Back to top Go down
View user profile
DarthVader
Admin
avatar

Posts : 37
Join date : 2009-08-22

PostSubject: Re: Lagro Dog Impound   Wed Oct 20, 2010 8:44 pm

Quote :
Ngayon lang, august 26, 2010 na impound ang aso namin. inaamin namin lalo na ako na kasalanan ko kung bakit naka labas ang aso namin, at kelangan ko magbayad ng 300php (three hundred pesos). ok lang yun at nakabayad na kami pero, may mga ilang butas lang ako na nakita sa ordinance na pinatupad nila. alam ko na para sa mga taga lagro din ang ginagawa nila at naappreciate ko yun, pero.. sana naman ay may option ang mga tao sa lagro kasi ganito talaga ang nangyari sa part namin;

Tanong ko po kung binigyan ba kayo ng pagkakataon na ipaliwanag kung bakit nakalabas ang alaga niyong aso? Pero siguro mas maganda kung mayroon silang wang wang para malaman ng mga may ari na nagkakahulian ng aso. Kasi pagkaalam ko ay mga asong ligaw o walang may ari ang hinuhuli. Ewan ko lang kung sinasadya nila ito para bigyan ng leksyon ang mga pabayang mayari o para naman kumita.

Mas maganda din sana huliin din ang mga pusang gala na tumatae sa damuhan at kumakalkal ng mga basura. Dito sa amin ang dami niyan at sobrang baho ng kanilang dumi.
Back to top Go down
View user profile http://greaterlagro.forumotion.net
 
Lagro Dog Impound
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Greater Lagro Online! :: Public Awareness :: Ang Kapaligiran ng Lagro-
Jump to: